Huwebes, Abril 12, 2012

House Bill No. 162 “The Multi-Lingual Education and Literacy Act of 2010.”

House Bill No. 162
“The Multi-Lingual Education and Literacy Act of 2010.”
Representative Magtanggol T. Gunigundo I

Sinasabi ni Kinatawan Magtanggol T. Gunigundo:

          H.B. 162: Panukalang Batas na magpapataas sa kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng Mother Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). Sa MTB-MLE, gagamitin ng mga guro ang unang wika ng bata sa pagtuturo sa mga paaralan sa buong Pilipinas. Ayon sa mga pagsasaliksik ng mga dalubhasa sa Linguistics, ang unang wika ng bata ang pinakamabisang wikang pangturo dahil madaling nauunawaan ng mga bata ang aralin sa klase. Ito rin ang sinasabi ng UNESCO. Ito rin ay bahagi ng education agenda ng Aquino Administration.

Ang pagtalakay sa isang panukalang batas, batas at mga kautusan ay maituturing na isang kritikal na gawain, ito ay dahil sa ilang kadahilanan, unang kadahilanan ay ang pagpasok ng ideolohiyang na may nakapaloob ritong legalidad at higit sa lahat ang kapasidad ng kaalamang tinataglay ng pagtatalakay sa usaping ito. Sadyang napakalaki at napakaraming kinakaharap na suliranin ng Pilipinas sa usapin sa senaryo ng ekonomiya, sa usapin ng kapayapaan, pangseguridad, sa usapin ng paggawa (employment), sa karapatang pantao at gayundin sa usapin ng edukasyon at literasiya ng bansa (Pilipinas). Kung pakasusuriin, napakalawak ng suliranin sa usapin ng edukasyon lalo na sa kasalukuyan, ang sinasabing “nagdarahop” na antas ng pagkatuto, ngunit ang malaking tanong, saan nga ba nag-uugat ang suliraning ito, may mga naging pag-aaral na iginigiit na kakulangan sa mga gamit sa eskuwela gaya ng mga libro, upuan, silid at maging sa kakulangan ng silid (classroom) na maituturing na napakabasiko. May mga naging pag-aaral rin naman na igigiit ang dahilang batay kalagayang pang-ekonomiya ng  mga magulang ng isang bata, sinasabi na hindi nagagawang pumasok ng isang mag-aaral sa paaralan dahil sa kahirapan, walang pambaon (allowance), walang pamasahe at walang maging panggastos sa mga kinakailangan sa loob ng paaralan, bagamat libre ang edukasyon kono.

Sa kasalukuyan, may isa pang rason kung bakit bumababa ang antas ng litersiya sa bansa, sa bahagi ng edukasyon, ito ay dahil sa kahirapan at pagakakaiba ng tinatawag na “medium of instruction”, lumalabas madalas na nag-uugat ang iliterasiya ng mga bata o ng isang mag-aaral ay dahil sa hirap at hindi wastong “medium of instruction” lalo na sa basic education partikular sa elementaryang antas.
Sa mga pag-aaral at pananaliksik lumalabas na mas higit na nadadalian ang mga mag-aaral daan sa pagkatuto, particular na ang mga nagsisimula pa lamang na mag-aaral kung ang gagamiting wika sa pagtuturo ay ang wikang kanilang kinagisnan sapagkat ma madali nilang mauunawaan o maiinitindihan ang mahihirap na bagay at kung sisipatin ay mas mapapadali ang paraan ng pagkatuto dahil maituturo mo sa mas magaang paraan ang mga bagong ideya sa pamamagitan ng wikang kanilang kinagisnan na mas madaling paraan para sa kanilang pagkatuto taliwas sa ipinapatupad sa kasalukuyan na paggamit ng dalwang pangalawang wika particular ang Wikang Filipino at Wikang Ingles na pawing mga wikang hindi na galamay ng isang bata o isang mag-aaral.

Kung ang wika sa tahanan ang gamit sa pagtuturo ay mas magiging bukas pa ang mga mag-aaral hindi lamang sa aspektong intelektuwal king hind imaging sa iba ppang mga aspeto ng kaniyang buhay lalo na sa bahaging emosyonal na bahagi rin naming ng pagkatuto.

Sa kasalukyan, hindi naman ipinagbabawal ang pagtuturo ng Filipino at Ingles na pawang parehong pangalawang wika o iyong tinatawag na second language kung hindi ituturo ang unang wika o ‘yong mother tongue language sapaklat naitataguyod nito ang mga basikong nalalaman ng bata/ mag-aaral sa kaniyang unang wika, hindi na mahirap upang matutunan at maunawaan niya ang iba pang wika at iba pang mga kaalaman gamit o instrument ang iba pang mga wika.

Sa ganitong aspeto, nangingibabaw sa mga nagging pananaliksik ng iba’t ibang institusyon at idinidikta na rin ng United Nation Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO na mas higit na nauunawaan ng isang mag-aaral ang kaniyang inaaral na paksa kung ang ginagamit sa kaniyang wika sa anumang paksa ay ang kaniyang wika. Sa ganitong punto, nakuha ng House Bill 162 o ang The Multilingual Education ang Literacy Program ng buong pangkat sa pag-aakala at pagtataya na nakatutulong at nakapag-aambag nga ito tungo sa pagpapataas ng literasiya ng mga bata at/o mag-aaral sa bansa.

Ang edukasyon ay ang pangunahing problema ng sangkatauhan. Kung mabigyan natin ng wastong anyo ng edukasyon at pagtuturo ang kahit isang henerasyon, matitiyak natin na ang lahat na mga darating na henerasyon ay mapalalaking maayos at mamumuhay sa sukdulan. Ito ay dahil sa ang bawat henerasyon na makatatanggap ng wastong paraan ng edukasyon na  maaaring magkaroon ng sapat na kakayahang palakihin ang mga susunod pang henerasyon.Nakatutuwa na napakalaki ng pananaw natin sa Edukasyon dahil naniniwala tayo na ito ang magiging sandigan natin upang makapamuhay ng matiwasay at upang paunlarin ang ating sarili ngunit nakalulungkot isipin din na ang edukasyon, tayo mismo ang gumagawa ng paraan para hindi natin maunawaan ng mabuti. Masakit isipin na ang Wika ang nagpapahirap sa atin na maunawaan ang mga dapat ay itinuturo sa atin sa Wikang nauunawaan natin Ito ang mga pahayag na nadinig naming kay Prop. Nolasco ng amin siyang kapanayamin sa lagay ng edukasyon dito sa Pilipinas , sinabi niya na dapat ituro sa mga bata ang mga bagay na naiintindihan nila gamit ang kanilang mother tougue o ang L1 na wika na ginagamit nila sa komunidad na kinabibilangan nila. Sinabi niya na ang L1 ay sa wikang alam natin, nauunawaan natin at gusto nating matutunan ,iyan ang mga bagay na pagpapakahulugan niya sa L1. Binatikos din niya ang maling paraan ng pagtuturo gamit  ang Bilinggual Education ang pagtuturo ng Filipino at ingles sa unang taon kaya nahihirapan sila sa pagkatuto na dapat itinuturo sa kanilang mother tougue isa pa ang mga aklat sa mga asignatura tulad ng math at science ngunit nasusulat sa sa ingles na lahat tayo alam natin na itinuturo sa Filipino kaya nawawalan ng silbi ang mga textbook na ito. Isa pa sa mga binatikos niya ang maling curriculum ng CHED na lalong nagpapahirap sa mga bata na matutunan ang mga asignatura. Matapos naming makapanayam si Prop. Nolasco ay nalaman naming na lahat pala tayo ay alam ang nangyayari sa sistema ng edukasyon ngunit wala lang tayong ginagawa dahil walang  din mga batas sa paggamit ng sarili natin wika ang Wikang Filipino.


HOUSE BILL No. 162 GUNIGUNDO MULTILINGUAL EDUCATION BILL
sa pagsusuri nina Cabales, Coniconde, Gaba, Valencia, at Trogo

Ninais ng mga mananaliksik ang hinggil sa House Bill No. 162 na pinanukala ni Kinatawan Magtanggol Gunigundo ng lungsod ng Valenzuela, subalit dulot ng ilang kadahilanan at marahil ay kawalan o kakapusan ng panahon na maaaring ipagkaloob sa mga tagapagpanayam, malugod niyang pinagtungo ang mga mananaliksik sa tanggapan ng isa sa mga kasapi ng kaniyang research team na si Dr. Ricardo Nolasco sa Unibersidad ng Pilipinas. Magandang bagay sapagkat malugod din naman niya kaming tinanggap nito.
“… ang House Bill No. 162 ay ang Multilingual Education Bill na naglalayon na paggamit ng mga katutubong wika o iyong tinatatawag na mother tongue language bilang gamit sa pagtuturo sa basic education…”
Sa maikiling panahon ng pakikipanayam sa Dr. Nolasco ng mga mananaliksik, masasabing mas lalao pang nakit nakita o mas lalong lumutang ang kahalagayahan ng ideya ng pagtuturo gamit ang unang wika ng isang mag-aaral sapagkat kung isasagawa ang paghahambing sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, masasabing malaki ang kibahan nito, maganda ang maaaring ibunga nito, taliwas sa kasalukuyan at maaaring ito ang maging daan tungo sa mas maganda at mataas na antas ng literasiya sa bansa.
Batay sa mga naunang sinagawang pananaliksik at eksperementasyon, mas higit na natututo at mas higit na nauunawaan ng mga bata ang kanilang leksiyon sa loob ng paaralan kung ginagamit na wika sa pagpapaliwanag at pagpapaunawa ng leksiyon ay iyong tinatawag na mother tongue language o iyong first language (L1). Kung babalikan at sisipatin ang kasalukuyang sistema ng edukasyon, ang wikang ginagamit sa pagtuturo ng karamihan o mayoryang bilang ng mga tagapagturo ay ginagamit ang dalawang pangalwang wika o iyong second language (L2) partikular ang Wikang Filipino at Wikang Ingles.
Pinuri ni Dr. Nolasco ang kasalukuyang umiiral na bilingual policy sa mga paaralan at mga pamantasan na itinataguyod ang pagtuturo, ang metodolohiya ng pagtuturo gamit ang dalawang wika- Wikang Filipino at Wikang Ingles subalit may halong tono ng pang-uyam.
Nakatutuwang bahagi rin ay nang ipanagduldulan niya (Dr. Nolasco) ang hinggil sa umano ay pagpapanggap na ang Wikang Filipino at ang diyalektong Tagalog ay magkaiba at pareho kahit sinasabing magkawangis lamang ang dalawang wika.
“… talagang second language ‘yong Filipino or ‘yong Tagalog, Tagalog at saka Filipino, they belong to the same language, huwag kayong magpapaniwala diyan sa nagsasabi na iba ‘yong Tagalog at Filipino…”
Binigyang katuturan rin ni Dr. Ricardo Nolasco na napakahalaga ng medium of instruction o iyong tinatawag na MOI.
“… ito ‘yong susi para magkaroon ng pagkakaunawaan sa classroom kaya hindi nagkakaroon ng pagkakaintindihan at nagiging sagabal ‘yong medium of instruction sa pagtuturo sa pagkatuto at a… ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit hindi nagagaga ng mga bata ‘yong kaalaman sa siyensiya, matematika, sa agham panlipunan ay dahil sa usapin a pangwika…”
Napakalaki ng naitutulong sa mga estudyante o mag-aaral kung ang ginagamit na wika sa pagtuturo ay iyong wika nila sa tahanan dahil mas nakatutulong ito sa kanila upang makakuha ng matataas na marka sapagkat nauunawaan talaga nila ang kanilang ginagawa at kanilang mga leksiyon o paksa na inaaral.
“… ayon sa DepEd Department Order No. 74, ito (mother language) ‘yon ang magiging medium ng pagtuturo mula sa pre-school hanggang at least Grade Three…”
Sa pamamagitan nito (order) ay hindi na kinakailangang mag-adjust ng mga mag-aaral sa isang wika na hindi naman nila lubusang kilala at masaklap ay hindi nila nauunawaan. Bilang tugon sa sinasabi na isa dahilan kung bakit hindi maaaring ituro o gamitin ang wikang katutubo ay dahil sa nakalimbag ang mga batayang libro sa dalawang wika na nabanggit, ngunit pinabulaanan ito ni Dr. Nolasco, aniya hindi naman kinakailangan ang mga textboo o iyong batayang libro, sapagkat karaniwan hindi naman ito binabasa.
Sa kabuuan ay binugyang-tuon ni Dr. Ricardo Nolasco at ng naging tagapagtalakay na si Nicolas Gaba Jr., ang tunay na esensiya ng House Bill 162 lalo na sa pagnanais na maitaas ang antas ng literasiya sa bansa na maituturing na lugmok na rin.

PANAYAM KAY DR. RICARDO NOLASCO
inihanda ni Nicolas Gaba Jr. at Marc Paul Coniconde

Dr. Nolasco: may kopya na ba kayo?
Tagapagpanayam: Nabasa nap o naming… pero background pa lang po…
Dr. Nolasco: so ibibigay naming ‘yong… we’ll give you a copy, pero ‘yon ‘yong kauna-unahang bill na ipinayl sa kongreso na nagtataguyod ng mother language… so, bill ‘yon ngayon, even befor na mapasa ‘yon ipinatutpad na ng DepEd so ang plano kasi they can… ‘yong DepEd, mismong sinasabi na naming na pinakamalapit doo sa ipinapatupad nilang uri ng…
Tagapagpanayam: Ano-ano ang mga elemento o bagay na isinaalang-alang niyo sa pagbuo ng batas na ito?

Dr. Nolasco: ‘yong isinaalang-alang wala naming ibang pupuntahan talaga ‘yan e kung hindi ‘yon ‘yong lahat ng mga research dito sa bansa at sa international research ‘yong pinapakita kung gusto natin matuto ‘yong mga  bata , kailangan magsimulan natin doon sa  wikang naiintindhan nila. first langaunge

Tagapagpanayam: first language?

Dr. Nolasco: oo, pero ‘yong ung 1st language na ‘yun ay may apat na ibig sabihin ‘yong wika na  una nilang natutuhan ung wika na gusto nilang makilala., at  gustong makilala sila ng iba , ‘yong wika na alam nila no , the one knows best , no at saka ung the one uses most so ung batayan natin ng first language

Tagapagpanayam: so kung ako po ay taga-Mindoro, ako po ay mag-aaral, ‘yong gamit ang iyong wika ng mga Mangyan?

Dr. Nolasco: hindi, ‘yong wika na ginagamit ng community mo, hindi ka naman Mangyan e pero may mga lugar na may mga Mangyan katulad ng imperyor no, katulad ng sa, south okay, sa lugar nila… nila Anton Pospa, okay, Bulalakaw, e… ‘yon nga ‘yan’yon yon.

Tagapagpanayam: ano ang kalagayan ng edukasyon ditto sa Pilipinas nang isulong ng mga mambabatas partikular si Kinatawan Gunigundo ang mga panukalang ito?

Dr. Nolasco: e masama… talagang napakasama, walang natutuhan ‘yong mga bata, may 20 million na mga estudyante out of… out of… tapos 20 million ng mga Pilipino, between the ages of 10-64 hindi nauunawaan ‘yong kanilang binabasa…
so lahat ng isinaalang-alang para Makita kung papaano lutasin ‘yong napakalaking problema ng illiteracy ditto sa ating bansa at ang isa nga doon no… ay ‘yong mother tongue language education… kasi ‘yong kasalukuyang a… patakaran sa bilingual na edikasyon ay sumasalungat sa pinaka-elementarya na… elementary… principles… na starting where learners are so what they already know at a… weird ‘yng bilingual policy sapagkat itinataguyod nito ‘yong pagtuturo ng dalawang L2 sa ibang languages…

Tagapagpanayam: …ano po?

Dr. Nolasco: Filipino at saka Ingles

Tagapagpanayam: ang L1… diyalekto?

Dr. Nolasco: hindi, pag sinabing wika… a… may 170 languages sa buong Pilipinas… 170 na ‘yong mayroong pinakmalaki pa rin in terms of
… marunong ng Tagalog as a second language na lang, kung hindi talagang second language ‘yong Filipino or ‘yong Tagalog… Tagalog at saka Filipino… they belong to the same language… huwag kayong magpapaniwal diyan sa nagsasabi na iba’yong Tagalog sa Filipino

Tagapagpanayam: Ano po ba ang layunin nito?

Dr. Nolasco: kasi ang dahilan kung bakit pinayl yong 162 na yon para sagkaan yong tangkang ng grupo nina gullas na isalaksak yong wikang ingkes sa lalamunan ng mga mamamayang Filipino yon yong dahilan at naging matagumpay yan pero wala ktayong ilusyon na mapagtitibay yan ng kongreso mas ok na sa atin na manatailing wlala munang patakarang pangwika hanggang sa kumakalap tayo at lumilikom tay ng karanasan sa pagtuturo nsa unang wika at magawa natin yong mga materyales tungkol ditto matagal pa to mga 10 tao n bago magkaroon ng epekto yong sinasabi nating itong bagong paradigm na ito

Tagapagpanayam: ano po ba itong tinatawag na MOI?

Dr. Nolasco: ito ‘yong susi para magkaroon ng pagkakaunawaan sa classroom kaya hindi nagkakaroon ng pagkakaintindihan at nagiging sagabal ‘yong medium of instruction sa pagtuturo sa pagkatuto at a… ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit hindi nagagaga ng mga bata ‘yong kaalaman sa siyensiya, matematika, sa agham panlipunan ay dahil sa isapin a pangwika…

Tagapagpanayam: Ang mga batas na House Bill No 5814 at House Bill No. 162 ay kapwa wika ang pinagtutuunan ng pansin o kapwa wika ang pokus sa isa’t isa, ano ang kanilang naging batayan sa pagpili ng wika na gagamitin sa pagtuturo partikular sa House Bill 162 ay Wikang Filipino?

Dr. Nolasco: yong an okay gullas walang batayan yon walang batayan  sa research  sumsaslungat nga yon sa pananaliksik yong kay magi ang tumutugma sa internatonal at national research at matagal ng snasabi yan noh sa science international and mathematics and science study napatunayan nila na kung saan yong wika ng examine ay kapareho ng wika sa yatanan ay mataas ang nakukuhang marka ng mga estudyante kapag hindi at kapag ang ginagamit ay isang 2nd language o yong hindi wika ng tahanan mababa yong marking nakukuha nila e lahok tayo nang lahok dun nh e lagi tayong nasa 3rd to the last 4th to the last sa bottom 5 tayo…

Tagapagpanayam: Paano ang naging implementasyon ng batas na ito?

Dr. Nolasco: wala pa namang batas e. ang sinasabi ko yong sa panahon ni GMA nakonbinse din naming sila na ipatupad yong Dept order 74 series 2009 so ngayon pinaplano nila na imain etreme nila na ito sa grade 1 sa darating na 2012 June sa ilalim ng 2012 kurikulum

Tagapagpanayam: Ano po ba ‘yong K-12? Mayroon na po ba kayong background hinggil dito?

Dr. Nolasco: oo… ayon sa DepEd Department Order No. 74 ito yong magiging medium ng pagtuturo mula preschool hanggang sa atleast grade 3 pero yong kasalukuyang pagkakabuo ng k-12 sang-ayon lang ang deped na gagamitin ito hanggang grade 3 samakatuwid may pagkareaksyunaryo yong ganyang hakbang dahil kung ghanggang grade 3 lang yan gamit sa pagtuturo walang epekto hindi makaktulong yan sa pagpapataas ng antas ng kaalaman at literasiya dito sa ating bayan

Tagapagpanayam: sa palagay niyo po ba mga anong taon…

Dr. Nolasco: dapat from 6-8 yrs yon yong pinakaoptimum

Tagapagpanayam: May mga nadsasabi po kasi na karamihan umano sa doon sa mga textbook natin ay nakasulat sa English na siyang magiging batayan sana, ano po ‘yong reaction niyo hinggil dito?

Dr. Nolasco: hindi natin kailangang ng textbook e yong lahat ng textbook na nasa English
… kahit na doon sa Tagalog , one of the most hated subjects ‘yong Tagalog at Agham Panlipunan dahil sa paraan ng pagtuturo nila so at the end hindi lang yon…
Tagapagpanayam: Ano po ang inyong masasabi doon sa mga pamantasan na nagpapatupad ng elish speaking policy?

Dr. Nolasco: e di magpi-fail sila mabibigo sila gaya ng nabigo yong panahon ng mga amerikabnop hanggang sa kasalukuyan yong naglalagay ng english speaking schools ay paglabag sa karapatang pangwika ng mamayan so ang hated dapat ay… dapat nga may nagpapapayul diyan sa may commission on human rights dun sa mga eskwelahan na gumagawa nun

pero nagbabago rin yong timpla nila ngayon at humihina na ngayon yong mga nagiging pro English kasi nakikita nila unti unti na mas mallalim at mas malawak ang nagiging kaalaman ng mga bata kapag yong unang wika nnila ang gagamitin

kahit na sa teknolohiya…

so kailangan may panahon pa para kailangan malalim nilang masapol yong mga kadahilanan sa pagbabagong ito sa orasa na hindi natin makumbinsi ang mga teacher noh ay hindi magiging ganap at hindi magiging lubusan yong pagtangkilik sa bagong programang ito ikalawa kailangan makuha din nating  at makunsbinsi makuha yong mga magulang  at yong mga magulang napakaimportananteng salik ito upang maging gganap ang pagkakasakatuparan ng bagong patakarang pangwikang ito

Tagapagtalakay: sir pakilinaw po ang bilingfualism at multilingualism

Dr. Nolasco: yong bilingualism ang ano lang ha sa interpretasyon natin sa ibang bansa kasi pag bilingual education  ang unang wika ang unang wika ang  yong ginagamit tapos may isang language of wider communication pero ditto   ang ginamit natin hindi 1st language kung hindi 2 second languages yong Filipino at English

oo sabay na ginagamit ginagawang sukatan yan sa literacy ok o ngayon kung hindi ka matatag sa wikang Filipino magiging sagabal yon ganon din sa English.