Parang ang sarap lasapin
ang naulanigan
ang mga katagang
iyong bibig mo'y isinilang,
nalilok ang balintataw sa aking isipan
at tila nagdidiwang
ang aking kalooban.
Magandang tapunan ng tingin
at pagmasdan
ang mga natala sa bawat litanya,
Ngunit may nagkukubli pa lang dilim
sa likod ng iyong malaanghel itsura
diwatang postua
... bitbit ay patalim
nakayurak sa akin...
Batid mo’y hindi sakit ang inuukit
ang iyong minaskarahang hangarin,
Isang signo nagbabadyang wasakin
ang naghihimutok na damdamin.
Pero hindi kami dunong pinagkaitan
para sa layon mo'y maging sunusunuran,
Hindi namin kailangan ng mga panggalang,
Para lang maranasan ang ganap na paglaya.
Sapat na ang pluma at papel...
panulat bilang aming sandata,
Upang iahon sa sadlak
at kamatayang paghihirap...