Linggo, Hunyo 19, 2011

Dunong

Dunong
ni Nicolas Completo Gaba Jr.

“Mas mainam pa ang aging marunong, alam ang tama at ito’y ginagawa. Kaysa sa maging matalino, alam ang tama, hindi ginagawa…”

Pop. Sixer Sitjar

Hindi ko magawang magbitaw ng pasasalamat
sa mga Kastilang sa kitid ng talino sa amin daw ay nagmulat
sa dila ng mga pantas
dunong at karunungan ang bulalas
sa baluktot na sistema ng edukasyon
nasaan ang mabuting hininga
yaong sa baya’y magsusulong
ang mapagkanulong mga salitang anghel
humuhukay… naghehele sa saloobin
na sa sariling baya’y nagpapanggap na alay
ang edukasyon na sana’y magpapatid uhaw
sa mga personang nakikidigma
inalipin ng kamangmangan
binulag ang tama at nasang katotohanan
kaya ang pinangangatawanan hindi wastong katwiran
pinangingibabawan ng palamuting dangal
ang kalingang ipinangangalndakan
sa pagluhod ng araw
banaag ang panlilinlang
wasto ang turingan
ang kamangmangan’y isang kaalipinan
subali’t mas nanaiisin ko ang maging alipin
kung hai’y maling pilosopiya… maling mithiin
ang sa aki’y ipalalasap at padiktang ipangasab.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento