Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Sa Aking Pamamahinga


sa aking pamamahinga
namaang
sa ganda nitong mundo
nguni’t hindi
maikubli
hindi mailikat
hiyas nitong katotohanan
mga nagugutom na sikmura
nahihirapan
walang aninong
nais ang tumulong
mga sugatan sa kasawian
ngunit walang nais
magbigay lunas
paghilumin sa patuloy na
pagnanaknak
patuloy na pagsil-in
ng pagiging gahaman
nakapintang dungis sa politika
nakaupo sa gintong trono
mga buwaya
mga hyena sa kasakiman
panganib ng paglaban sa kanila
kamatayan nga
sa mga nagtangka
ang mga nagpaalam na pangarap
naglahong pag-asa...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento