Linggo, Hunyo 19, 2011

Hanggang Kailan Ko kayang Maghintay?

Maghihintay ako
hangga't kaya ko
iyan ang pangako ko;
kung 'yun ang gusto mo.
kung ito ang paraan upang matupad
ang ating mga nais.. ang ating mga pangarap. 
Pagmamadali...
sa isip ay iwawaglit pilit
at sa aking pagsuyo
handang harapin ang pagtitiis
gayundin ang paglayo
ng ating mga puso.
Lahat ng ito'y aking kakayanin
lalabanan ang anumang suliranin.
Liwanag na likha ng wagas na pag-ibig
na mula sa ating mga puso
ay matatanaw.
Magsisilang ng apoy... ilalapat sa sulo
sanhi ng lagablab ng ating damdamin.
talang magbibigay liwanag
sa puso kong puno ng bagabag... ng mga paghihirap
dahil sa pangungulila sa iyo..
Ikaw ang katuparan ng pangarap
Ikaw ang aking buhay
at hanggang sa huling sandali
maghihintay ako,
Maghihintay ako
sa iyo Mahal ko.
Hangga't kaya ko...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento