Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Para Kay Binibining G.

Naririnig ko ang malulungkot na bulong
mula sa nangungusap mong mga mata
mga matang pinaluha ng kahapon
sugat ng pagmamahal hindi pa din naghihilom...

(Para kay Binibining G. unang bahagi)

muling nanamlay ang langit
kapunapuna...
mangilan-ngilan ang bituing nakasabit
maging ang buwan, hindi magawang mang-akit
lungkot ang sa mukha ko'y nakaguhit....

(Para kay Binibining G. ikalawang bahagi)

'ni ang ngiti hindi magawang mapilit...
hindi mawari kung aagos ang luha
ididilig sa tigang na lupa
lupang pinagtamanan ng bulaklak ng patay
patay na mas makauunawa sa sauliraning aking pasan...

(Para kay Binibining G. bahagi tatlo)

Papaanong ang tunay na pag-ibig ay pagpaparaya
gayong sa pangungulila’y ikaw ang lumuluha
gayong sa kalinga’y ika’y nagmamakaawa
gayong ang hinahangad na pagmamahal ikaw ay wala.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento