Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Ilusyon




Sa mga nangungusap mong mata
walang lungkot akong makita
ngiti mo'y tagapaghilom ng aking lumbay
sa paghihintay ko man
umabot man sa kawalan
kaluluway nakatungayngay
hiraya ang makasama minsan
Alam kong hindi na ako,
alam kong ayaw mo
alam kong inis ang nasa puso mo
hahayaan kong hubdan ako ng katotohanan
na kailanman, wala sa ating namagitan
kung mayroon man; ito'y ilusyon
ilusyong sa puso ko'y lumason...




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento