Linggo, Hunyo 19, 2011

Pluma at Papel



Parang ang sarap lasapin 
ang naulanigan
ang mga katagang
iyong bibig mo'y isinilang,
nalilok ang balintataw sa aking isipan
at tila nagdidiwang 
ang aking kalooban.
Magandang tapunan ng tingin 
at pagmasdan
ang mga natala  sa bawat litanya,
Ngunit may nagkukubli pa lang dilim
sa likod ng iyong malaanghel itsura
diwatang postua
... bitbit ay patalim
nakayurak sa akin...
Batid  mo’y hindi sakit ang inuukit
ang iyong minaskarahang hangarin,
Isang signo nagbabadyang wasakin
ang naghihimutok na damdamin.
Pero hindi kami dunong pinagkaitan
para  sa layon mo'y maging sunusunuran,
Hindi namin kailangan ng mga panggalang,
Para lang maranasan ang ganap na paglaya.
Sapat na ang pluma at papel... 
panulat bilang aming sandata,
Upang iahon sa sadlak 
at kamatayang paghihirap...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento