Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Mga Bugtong at Hiwagang Kinang ng Trono sa Kaharian



Bugtong ng kapangyarihan
nanatiling palaisipan
pilit pinag-aagaw
iisang trono sa puting kaharian
ang kahariang bantay sarado
ng naka-unipormeng matitkas na oso
napaliligiran ng mala-Goliat na bakuran
sa mga aliping balangay
sumpa ang ito’y hawakan
ang kahariang tayngang kawali sa nangangailangan
ang tronong may interes ang ilan
ang natira tiyak na may sikmurang matibay
bientenuebe nakatarak sa tagiliran
‘ni walang hapding maramdaman
sa mata ng iba’y kapangyarihan
sa iba’y isang karangalan
hipnotismo ng kapangyarihan
bugtong ng kapalaluan
paru-parong walang yabo
tupang walang balahibo
walang humpay na pakikipagtunggali
tungo sa iisang minimithi
ang hipnotismo
ang bansag na dakila
pilipit kung bigkasin ng mangmang na dila
mga batong malambot
kalawang ang nakabalot
hamog na mainit
alambreng tinik tumatalinsik
trumpetang kulang sa butas
mga nota’y hindi mabakas…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento