Linggo, Hunyo 19, 2011

Ulagang Pag-ibig


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
ganoong ikaw babae ang sinuyo
ikaw ang lumuluha ng siya'y lumayo?

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya 
ganoong ikaw ang kaniyang kasama
iba naman ang iniisip niya?

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
ganoong pinaghinta ka
pinaasa sa wala?

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya 
ibinigay mo na ang lahat
lahat ng iyong pagmamahal
ngunit sa paningin niya'y kulang pa?

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
ganoong pinagseselos ka na
ganoong pinaaalis ka na
ganoong sinasaktan ka na
...nakangiti ka pa...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento