Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Prinsipyo


Nakakulong ako nagyon sa lumipas na kahapon
naghihikahos sa galit
nagbubunsod ng digmaan ang aking kalooban
pilitin ko man ang ito'y takbuhan
batid kong walang patutuguhan
iginapos ng tanikala ang aking katawan sa sukdualang kabuktutan
sinusunog ang aking kaluluwa
ng aninong sa ulo'y may pilak na korona
inuod ang aking lakas
sa mga bato sa gulod doo'y wlang habas na inihampas
tigang na ang bintana ng aking kaluluwa
wala ng luha ang nais kumawala
ang gasgas kong mga tuhod ay nangangatog
nang ang aking prinsipyo, ako mismo ang nilunod...


-Lo-cin Aba Jr.-


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento