Miyerkules, Hunyo 8, 2011

Ama

Ama… ikaw ang aking natirang sandigan
sa anumang oras na ika’y hanap… kanlungan
mga bisig mo ang aking sandigan… kanlungan
sa tuwing lakas sinusubok… pinanghihinaan
nalunod ako sa pangungulila
minsasang nauhaw sa aruga
salamat, sa naging buhay ko’y nariyan
sumaklolo sa aking pangangailangan
batid ko na kung wala ka’y hindi ko nakayanan
mga pighati na aking pinagdaanan
naglugmok na kasawian                      
pasan kong suliranin… iyong pinagagaan
sa paanong paraan kita mapasasalamatan
sa ipinamalas mo sa aking kabutihan
kabutiha’y paano susuklian
aruga at pagmamahal bilang magulang
tunay na pgmamahal mo’y isang kadakilaan
pinopoong langit ikaw nawa’y biyayaan
nang pinagarap mong sa aki’y tagumpay
nang hinagad mo sa aking kaligayahan
salamat ama… salamat…















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento